TrashKonsumer: "Sumpa"
The Axel Pinpin Propaganda Machine
Ang "Sumpa" ay inianak ng unang 100-araw ng Haciendero Republic. The Political Parteey pa noon ang pangalan ng banda nang kauna-unahang magtanghal sa may Mendiola.
Dito sa Sumpa natagpuan ang eksaktong timpla ng sining ng banda. Kumbinasyon ng tula at spoken word na kinatha mula sa aktwal na mga pangyayari sa lipunan para maghatid ng mensahe ng protesta ng mamamayan. Kumbinasyon ng rock at iba pang iniluwal na musika pagkatapos ng punk era na siyang kinalakihan at impluwensya ng banda.
Sa madaling salita, unyon ng content at form, ng politika at sining.
Parang balita sa radyo ang Sumpa, nagbabago ang laman tuwing itatanghal dahil nadaragdagan ang kasumpa-sumpang rekord kaya naman nagbibilang ang Sumpa ng krimen ng rehimen. Sa rekording na ito ay dalawang taon pa lamang ang katangahan at kahangalan ni B.S. Aquino.
Huling State of the Nation Address na ng Haciendero Republic, walang makabuluhang pagbabago. Kailangan pa ring lumiko pakaliwa. — pakinggan n’yong muli ang Sumpa, na naging Sumpa.
*Para ito kay Lon — kasama at kaibigan — sa kanyang Sumpang buhay man ay iaalay kung kinakailangan.
*Pasasalamat kay Eros Masa bilang katuwang sa paggawa ng orihinal na tunog ng Sumpa.