Erl The Bird Tsubibo
11
  • 1.Erl The Bird - Tsubibo
    ยท 192 kbps
mobyagno22:
Hindi ko na alam kung ano ang totoo
Matamis mong salitang salungat sa kilos mo
At Hindi ko na rin alam kung bat ako ganto
Nakabuntot pa rin sayong parang aso
Meron ba ako sayong bilang?
O kabilang lang ako sa'yong panlibang?
O wala ka lang talagang
Kwentang nilalang
Na mapanlinlang
Paikot ikot na naman tayo
Nakakahilo, Nakakagago
Trip mo ba ko
O trip lang to sayo?
Kahit kunwari lang
Meron bang tayo?
Hanggang kailan magpapanggap
Na katotohan ay tanggap
Ko naman na wala talaga
Akong pag-asa sa iyo
Tila isang malaking biro
Gutom sa mga tawa mo
Parang tangang payaso
Sasakyan pa ba o ayaw na
Tsubibong mataas na nakakasuka
Mamutla sa pagkalula
Pigilan mga luha
Hanggang kailan ba manghuhula?
Paikot ikot na naman tayo
Nakakahilo, Nakakagago
Trip mo ba ko
O trip lang to sayo?
Kahit kunwari lang
Meron bang tayo?
Paikot ikot na naman tayo
Nakakahilo, Nakakagago
Trip mo ba ko
O trip lang to sayo?
Kahit kunwari lang
Meron bang tayo?
Parang okay pa na mag-isa
Kaysa kasama ka
Parang wala ring pinagkaiba
Parang kaya kong limutin ka
Teka kaya ko ba?
Kaya ko nga ba na wala ka na?
Paikot ikot na naman tayo
Nakakahilo, Nakakagago
Trip mo ba ko
O trip lang to sayo?
Kahit kunwari lang
Meron bang tayo?
Paikot ikot na naman tayo
Nakakahilo, Nakakagago
Trip mo ba ko
O trip lang to sayo?
Kahit kunwari lang
Meron bang tayo?
1 Comment
Venzoy27

Solid sir! Sana yung iba din nila ๐Ÿ˜…๐Ÿค˜